MANAGER, STAFF HULI SA PAGBEBENTA NG LOTE

CAVITE – Arestado sa ikinasang entrapment operation ang dalawang opisyal ng isang development company makaraang magbenta at tumanggap ng bayad sa mula sa kanilang buyer sa kabila na hindi lisensyado ang kanilang kumpanya sa Imus City noong Lunes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 957 (The Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree) at swindling/estafa sa ilalim ng Art. 315 ng Revised Penal Code, sina Allan Fresnido y Alvarez, 39, manager ng Dahum Builders and Development Corporation (DBDC), at Marife Robinos y De Belen, 46, admin staff ng DBDC, dahil sa reklamo ng isa nilang buyer na si Eduardo Vergara.

Ayon sa reklamo ni Vergara sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite, bumili siya ng lote sa nasabing kumpanya at nakapagbayad ito ng kalahati sa kabuuang presyo ng lote habang ang balanse nito ay sa pamamagitan ng monthly amortization.

Subalit natuklasan niya na wala palang lisensya ang DBDC na magbenta ng lote at wala ring certificate of registration mula sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD)-Region 4A.

Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga opertiba ng CIDG Cavite PFU  na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa aktong tinatanggap ang bayad ng monthly amortization ng biktima sa lote na binili  nito sa Mendoza Ville, Brgy. Molino 3, Bacoor City. (SIGFRED ADSUARA)

18

Related posts

Leave a Comment