“MARY GRACE PIATTOS” NASA LOOB LANG NG OVP?

ISASAILALIM sa pagsusuri ang penmanship ng malalapit na tauhan ni Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President (OVP) para malaman kung isa sa kanila ang hinahanap na “Mary Grace Piattos”.

Napag-alaman ito sa chair ng nasabing komite na si Manila Rep. Joel Chua sa press conference kahapon, kaugnay sa kaso ng “Mary Grace Piattos” na may P1 million pabuya sa makapagbibigay na impormasyon at makapagtuturo kung saan ito matatagpuan.

“Kino-consider na rin po namin sa mga penmanship (ng mga taga-OVP) para mai-submit sa mga expert,” ani Chua.

Paliwanag ng mambabatas, gagawin nila ito dahil may duda sila na hindi totoong tao si Piattos na lumagda sa acknowledgment receipts sa mga inilabas na confidential funds ng OVP lalo na noong 2022.

Maging ang iba pang pangalan na lumagda sa acknowledgement receipts ay pinagdududahan ng komite dahil ang lagda ng mga ito ay walang ipinagkaiba sa lagda ni “Mary Grace Piattos” na isinumite sa Commission on Audit (COA).

Maging si Taguig City Rep. Amparo Maria Zamora ay naniniwala na inimbento lang ang pangalan ni Mary Grace Piattos kaya importanteng masuri ang penmanship ng ilang tauhan sa OVP na may papel sa paggastos sa confidential funds ng pangalawang pangulo.

“I guess wala na silang maisip na pangalan. Mary Grace Piattos na lang. Baka kumakain siya ng piattos noong panahon na ‘yun, nang ginawa niya (acknowledgement receipts). Or kumakain siya ng Mary Grace at kumakain siya ng piattos,” ani Zamora.

Samantala, hindi pa rin tuluyang nawawalan ng pag-asa ang komite na dadaluhan ni Duterte ang pagdinig bagama’t nagsabi na ito na hindi siya dadalo. (BERNARD TAGUINOD)

19

Related posts

Leave a Comment