Nakawan sa raid kontra tupada PAMPANGA PNP CHIEF SINIBAK SA PWESTO

MATAPOS kastiguhin ng Philippine National Police (PNP) ang 10 tauhan ng Pampanga Provincial Police Office, isinunod namang sibakin sa pwesto ang tumatayong provincial police director ng nasabing lalawigan.

Agad namang kinumpirma ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang naging pasya ni PNP Region 3 director, Brig. Gen. Matthew Baccay, base sa umiiral na doktrinang “command responsibility” sa bulilyasong mga tauhan ng nasasakupang lalawigan.

Noong Marso 19 ng kasalukuyang taon nang salakayin ng mga tauhan ng noo’y Provincial Police director Col. Robin Sarmiento ang isang tupadahan sa Barangay Duat sa bayan ng Bacolor ng nasabing lalawigan. Sa kasagsagan ng operasyon, pinasok umano ng 10 pulis ang isang compound kung saan nawala ang P370,000 cash at iba pang kagamitan.

Agad namang sinibak ang 10 pulis na tinukoy ng mga biktimang naghain ng kasong kriminal at administratibo dahil na rin sa anila’y pagnanakaw ng mga pulis na pumasok sa kanilang mga tahanan.

Ipinalit naman sa sinibak na si Sarmiento si Col. Jonas Amparo bilang officer-in-charge sa nabakanteng pwesto. (JESSE KABEL)

153

Related posts

Leave a Comment