NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa.
“Majority of the traffic personnel will be assigned to roads leading to provincial bus terminals, seaports, airports, and major churches, to ensure the safety of thousands of commuters expected to travel to nearby provinces to take advantage of the long Holy Week break,” sinabi ni MMDA Chair Romando Artes.
Nakatuon ang pansin ng mga tauhan ng MMDA sa “entry and exit points” sa Kalakhang Maynila gaya ng North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Coastal Road, MacArthur Highway, Mindanao Avenue, at A. Bonifacio.
Ang mga traffic enforcer at iba pang personnel ay itatalaga sa madalas na binibisitang simbahan gaya ng Redemptorist Church sa Parañaque City, Sto. Domingo sa Quezon City, San Agustin sa Intramuros, at Quiapo Church sa Maynila.
At upang matiyak na sapat ang mga personnel para sa panahon na ito, idineklara ng MMDA ang “no day-off and no absent policy” para sa lahat ng kanilang traffic at field personnel lalo na sa panahon na inaasahan na mas magiging mahigpit ang vehicular traffic.
“These contingency measures are aimed to ensure a peaceful, orderly, and meaningful observance of Lent,” ayon kay Artes.
Inanunsyo rin ni Artes ang suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang number coding scheme sa NCR sa panahon ng Huwebes Santo (Maundy Thursday) at Biyernes Santo (Good Friday) kapwa deklaradong holidays.
Ang deployment, ayon kay Artes ay bahagi ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022” ng gobyerno kasama ang Philippine National Police, NCR Police Office, at iba’t ibang local government units, traffic bureaus, at iba pang ahensiya ng gobyerno. (CHRISTIAN DALE)
71