PAGKALKAL SA CF NI VP SARA TULOY

(BERNARD TAGUINOD)

WALANG plano ang House committee on good government and public accountability na itigil ang imbestigasyon sa umano’y maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education noong 2023.

Ginawa ng administration congressmen ang pahayag sa gitna ng tensyon na namagitan sa mga ito at ng Pangalawang Pangulo matapos dalawin ng huli ang kanyang chief of staff (COS) na si Atty. Zuleika Lopez na nakakulong sa Kamara bunsod ng pagka-contempt noong Miyerkoles.

“She can lash out all she wants, but the question remains: Where did the money go? Until she answers that, her expletives are just noise meant to distract from her glaring lack of transparency,” ani House majority leader Manuel Jose Dalipe.

Sinabi naman ni Manila Rep. Joel Chua na ngayong Lunes ay ipagpapatuloy ang imbestigasyon at muling inimbitahan si Duterte para ipaliwanag kung saan, papaano at kanino ginamit ang P612.5 million na confidential funds nito sa OVP at maging sa DepEd na dati niyang pinamunuan.

Ayon sa mambabatas, hindi magpapatinag ang komite kahit nagwawala, pinagmumura at inakusahan ng Pangalawang Pangulo ang mga lider at miyembro ng Kapulungan dahil nais umano ng mga ito na malaman kung papaano ginagamit ang pera ng bayan.

“She can scream, curse, and cry foul all she wants, but at the end of the day, the Filipino people deserve answers. If the Vice President cannot lead by example, she has no right to cry victim when held accountable,” ayon pa sa kay Chua.

Ayon naman kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, walang kinalaman ang ambisyon ni Duterte na maging Pangulo sa 2028 sa nasabing imbestigasyon.

“This is not about her or her ambitions. It’s about the truth—and no amount of noise from the Vice President will stop us from uncovering it,” ayon pa lead chairman ng Quad committee na nag-iimbestiga sa extra-judicial killings, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at illegal drug trade.

62

Related posts

Leave a Comment