PANELO HINAMONG TUMIRA SA MINDANAO

Spokesperson Salvador Panelo-3

HINAMON ng isang Mindanao Congressman si dating Presidential Spokesman Salvador Panelo na tumira sa Mindanao para malaman ang pulso ng mga naroon kaugnay sa ninanais na Mindanao secession.

Sinupalpal din si Panelo sa kanyang pahayag na OA o overacting ang reaksyon ng mga tao sa nais na Mindanao secession ng kanyang among si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press conference kahapon sa Kamara, hindi nagustuhan ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong ang pahayag ni Panelo na nagsasalita gayung hindi nito pinagdaanan ang naranasan ng mga taga-Mindanao dahil sa giyera.

“Obviously, former Secretary Panelo is not from Mindanao,” ani Adiong kung saan hinamon nito ang dating opisyal ng Duterte administration na tumira sa Mindanao at sabihin niya nang direkta sa mga tao na gusto niyang humilay sa Pilipinas upang makita nito kung ano ang magiging reaksyon ng mga Mindanaoan.

Ayon sa mambabatas, ang salitang secession o paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas ay hindi gusto ng mga Mindanaoan lalo na ang mga naapektuhan sa giyera sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo tulad ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Samantala, inamin ng mga kongresista na wala pang nabubuong desisyon kung isasalang sa ethics committee si Alvarez dahil sa pagtutulak sa Mindanao secession subalit umapela ang mga ito sa dating Speaker na maging mabuting halimbawa lalo na sa mga baguhang mambabatas.

(BERNARD TAGUINOD)

119

Related posts

Leave a Comment