Regional PNP chief nagbubulag-bulagan? ILEGAL NA SUGAL SA CALABARZON TALAMAK ULIT

0

INIREREKLAMO ng ilang konsernadong grupo ang panunumbalik umano ng ilegal na sugal sa mga lalawigang sakop ng Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon o Calabarzon.

Partikular na tinukoy ng mga nagrereklamo ang Small Town Lottery ( STL) con jueteng na ginagamit umano bilang prente sa pagbebenta ng droga gaya ng shabu, hindi lamang sa iba’t ibang mga siyudad at bayan sa Batangas kundi maging sa kabuuan ng rehiyon.

Kasabay nito, kinalampag nila ang tanggapan ni PRO Calabarzon Regional Director, PBGEN Eliseo DC Cruz para agad tumugon sa naturang ilegalidad sa kanyang nasasakupan.

Base sa impormasyong nakarating sa SAKSI Ngayon, kabilang sa mga iligalista ang drug/gambling operator sa Tanauan City na sina alias Ms Jane na kilala rin sa bansag na alias Nini ng Brgy. Boot, alias Ms. Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Brgy. Pantay na Matanda, at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat, pawang sa Tanauan City.

Bukod dito, namamayagpag din umano sina alias Tano ng Brgy. Trapiche, alias Rodel ng Brgy. Sambat, alias Biskutso ng Brgy. 7, alias Mayor Benir, Kon Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Konsehal Perez at alias Kon Burgos ng Poblacion.

Hindi rin paliligtasin ng heneral ang dati ay mga untouchable na drug pusher/ gambling maintainer ng Brgy. Bagbag na si alias Ocampo, Emil, Ramil, Aldrin, Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, pawang sa nasabi ring lungsod.

Bukod dito, pinaaaksyunan din kay Cruz ang Tisoy-Idol, Flores gun for hire and kidnap group na hindi umano nagawang tibagin ng mga naunang opisyales sa PRO Calabarzon.

Gayundin ang mga kuta nina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol na kapwa promotor ng drug operation at jueteng sa bayan ng Padre Garcia na nasa ilalim ng liderato ni Mayora Celsa Braga-Rivera.

Nagpapatakbo rin umano ng burikian o paihian ng produktong petrolyo sa Brgy. Bawi at Brgy. San Felipe kasosyo sina alias RR at alias Roy sila alias Kap Tisoy at alias Kap Idol. Sila rin ang nag-ooperate ng saklang patay sa nasabing bayan.

Pagdating naman sa Lipa City ay hindi rin umano natitinag ang drug/gambling maintainer dito na sina alias Ka Carling at ang engkargado nitong sina alias Maliwanag at Vie ng Brgy. Bulacnin, Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti-Brgy. Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, at alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak.

Sina alias Lorenz naman ang kumikilos sa Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy at Topher Taba ng Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.

Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, ang operator ng STL bookies/ jueteng at financier ng kalakalan ng droga sa South at North District ng Lipa City.

Isang alias R. Estole naman na nakabase sa Brgy. Lodlod, ang kumokontrol sa operasyon ng saklang patay sa may kabuuang 72 barangay ng nasabi ring lungsod.

Bukod sa mga ito, dapat din umanong tutukan ng kapulisan ang mga ilegalistang sina Jun, Wally at Lito sa Sto. Tomas City, alias Willy Bokbok, operator ng kalakalan ng droga at jueteng sa munisipalidad ng Nasugbu at Lian, alias Zalding Konti at alias Bedung ng bayan ng Taysan, Alias Roceo ng Ibaan, alias Kap Dimailig ng San Juan, alias Timmy na operator ng bentahan ng droga at jueteng sa mga bayan ng Mabini, Bauan at San Pascual.

Umaasa naman ang mga nagrereklamo na tutuparin ni RD Cruz ang pangako na lilipulin ang mga kriminal na sangkot sa droga, sugal at iba pang uri ng kriminalidad sa kanyang nasasakupan. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment