RIDING IN TANDEM PATAY SA TRUCK

CAVITE – Kapwa nalagutan ng hininga ang magka-angkas sa motorsiklo, kabilang ang isang 14-anyos na binatilyo, nang pumailalim sa isang delivery truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Romnick Quiño Noriega, 22, at angkas nitong isang 14-anyos na binatilyo subalit hindi umabot nang buhay.

Kinilala naman ang driver ng delivery truck na isang Isuzu truck na may plakang NBJ 2441, na si Mars Hugo Abraham, 32.

Ayon sa ulat ni Corporal Edgard Cabungos ng Trece Martires City Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Magka-angkas ang mga biktima sa isang motorsiklo habang binabagtas ang south bound lane ng Tanza-Trece Martires Road sa Brgy. Punta 1, Tanza patungo sa direksyon ng Trece Martires City.

Ngunit nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at tumagilid ang sinasakyang motorsiklo saka pumailalim sa kasalubong nilang delivery truck na minamaneho ni Abraham.

Isinugod ang dalawa sa ospital subalit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding sugat sa ulo at katawan. (SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment