ROLLOUT NG P500 AYUDA MALABO PA

HINDI pa nakapagtatakda ang mga ahensiya ng pamahalaan kung kailan magsisimula ang distribusyon ng P500 monthly cash aid sa mahihirap na pamilya dahil hindi pa naisasapinal ang guidelines para rito.

Inaasahan naman na maipalalabas ang isang joint memorandum circular mula sa Department of Finance, Department of Budget and Management, DSWD, at iba pang ahensiya na nagdedetalye ng distribusyon ng financial support, na tatagal ng tatlong buwan.

“Sa kasalukuyan, tayo ay bumubuo, bumabalangkas ng panuntunan diyan. Yesterday (Friday) tayo ay nakipagpulong sa ating economic managers para ma-identify ‘yung institutional arrangements, eligible beneficiaries, sino po ba ang mga ‘yan? Saan manggagaling ‘yung pondo? Isinasa-pinal pa po natin,” ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itaas sa P500 ang ibibigay na dagdag ayuda kada buwan sa pinakamahihirap na Pilipino mula sa naunang inaprubahan na P200. (CHRISTIAN DALE)

60

Related posts

Leave a Comment