“SAFE TRIP MO SAGOT KO” MULING INILUNSAD

NGAYONG bumaba na ang COVID-19 alert level ay muling inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang kanilang “Safe Trip Mo Sagot Ko” (SMSK) para sa mas madali at ligtas na pagmamaneho sa mga motorista na dadagsa sa Luzon expressways ngayon Semana Santa.

Ipatutupad sa darating na Abril 8 hanggang Abril 18, 2022 ang SMSK motorist assistance program sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link Expressway (C5 LINK), and Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Base sa statistic record ng MPTC’s traffic data, ngayong Holy Week ay inaasahang tataas ang traffic volume ng 10% to 15%.

Nabatid na umaabot sa 410,000 motorista ang pumapasok at dumadaan sa NLEX araw-araw at ito ay inaasahang tataas pa hanggang 470,000 daily sa mga nabanggit na petsa.

“SMSK is a program that is aimed at providing motorists with a safer and more convenient journey during the peak season,” ayon kay MPTC President and CEO Rodrigo E. Franco.

Kabilang sa naturang programa ang dagdag deployment ng patrol crews, traffic marshals, security teams, at mga toll plaza personnel upang masigurong ligtas at maihatid agad ang serbisyong kakailanganin ng mga motorista.

Suspendido ayon sa MPTC ang pagkakaroon ng lane closures at mainline road works mula April 8 to 18 maliban sa mga kinakailangang safety repairs.

“With the easing of travel restrictions, there’s a lot more outdoor activity from the general public. As we return to some normalcy as compared to recent years, we have anticipated this increase in volume by fielding additional personnel and offering special roadside services,” wika ni Franco.

Hinikayat din ni Franco ang mga motorista na magpakabit at gumamit ng Radio Frequency Identification (RFID) para sa mas kumbinyenteng biyahe, mabilis at maingat na transaksyon.

Nabatid na ang MPT DriveHub ay maaaring magamit sa RFID transactions, trip planning, at emergency roadside assistance kung saan pwede i-upload sa apple app store at sa google play.

“MPT DriveHub is designed to make access and mobility efficient and easy for our customers. Aside from getting to their destination safely and conveniently, we want them to feel secure that we have these customer-centric services so they can focus on enjoying the journey,” sabi ni Franco

“The app, the increased manpower deployment, the roadside services identified to respond to our customers’ needs for this coming Holy Week – these initiatives are synergistic – they all come together to create a travel experience that is safer and more relaxing,” pagtatapos ni Franco. (ELOISA SILVERIO)

95

Related posts

Leave a Comment