MURDER SUSPECT TIKLO SA CHECKPOINT

CAVITE – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong murder nang sitahin sa isang checkpoint sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang arestado na si Edgar Maglalang y Isaias, 54, ng Brgy. Banaba, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:50 ng hapon nang parahin ang minamanehong motorsiklo ni Maglalang sa inilatag na Comelec checkpoint, ng mga operatiba ng Silang Police, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Juan Oruga Jr., sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite.

Nang hingian ng ilang dokumento, nakilala ang suspek na may nakabinbing standing warrant of arrest na inisyu ni Judge Gian Enrico Cammayo Navarro ng RTC Branch 133, Tagaytay City, sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa. Bunsod nito, tuluyang inaresto ang suspek at binibit diretso sa presinto. (SIGFRED ADSUARA)

105

Related posts

Leave a Comment