SANGGOL PATAY SA HOSTAGE TAKING

NUEVA ECIJA – Patay ang isang taong gulang na sanggol habang nasugatan ang kanyang 8-anyos na kapatid na babae matapos silang i-hostage ng isang lalaki sa kanilang bahay sa Barangay Concepcion West, sa bayan ng Zaragoza sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Philippine National Police, nagsimula ang hostage taking pasado alas-siyete ng gabi at nagtapos dakong madaling araw kinabukasan, matapos ang mahigit limang oras na negosasyon.

Nabatid sa report, bigla na lamang pumasok ang 38-anyos na suspek na si Julius Cesar Ton sa bahay ng mga biktima at ini-hostage ang pamilya, gamit ang ang kutsilyo.

Nagawa naman ng ina ng mga biktima na makalabas ng bahay kasama ang isa pang anak, habang ang ama ng mga bata ay wala roon nang mangyari ang insidente.

Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga kapitbahay.

Sa loob ng ilang oras, pilit na pinasusuko ng mga awtoridad ang suspek ngunit napilitang sumugod na ng mga pulis sa loob ng bahay nang marinig ang pag-iyak ng mga bata.

Wala nang nagawa ang mga pulis kundi pagbabarilin ang suspek matapos na gilitan nito ang dalawang bata.

Dead on the spot ng suspek samantalang namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang sanggol na kaarawan nang mangyari ang insidente.

Habang ang 8-anyos na kapatid nito ay nagpapagaling pa sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo ng suspek sa krimen lalo na’t napag-alaman na hindi ito tagaroon sa lugar.

(NILOU DEL CARMEN)

311

Related posts

Leave a Comment