TEENAGER PATAY SA SNATCHER

LUCENA CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos na saksakin ng isa sa dalawang nang-agaw ng kanyang cellphone sa lungsod na ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Don Rosas Bulawan, residente ng Barangay 4, Lucena City.

Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ng kanyang kaibigan, sa Merchan St. sa city proper nang bigla na lamang hablutin ng dalawang lalaki ang cellphone nito na tumilapon naman sa kalsada.

Bagama’t hindi nakuha ang cellphone, hinabol ng dalawa ang mga suspek at nang maabutan nila ang isa ay binugbog ng mga ito.

Ngunit biglang nagbunot ng patalim ang isa pang suspek at sinaksak ang biktima na tinamaan sa dibdib.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakatakas naman ang dalawang hindi pa nakilalang mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

1

Related posts

Leave a Comment