TOP 1 AT TOP 6 MOST WANTED SA CAVITE TIMBOG

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang lalaking itinuturing na top 1 at top 6 most wanted persons, provincial at regional level, dahil sa kasong rape, nang madakip sa isinagawang “Oplan Pagtutugis” sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Angelo Malubay y Cortes, 19, ng Tanza, Cavite, at Jericho Canuto, 22, ng Bacoor City, Cavite.
Si Malubay ay inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dakong alas-4:55 ng hapon sa Brgy. Punta Uno, Tanza sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, ng Family Court, Branch 5, Trece Martires City dahil sa kasong 2 counts ng rape. Inirekomenda ng korte na makapaglagak ang suspek ng P400,000 pyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Si Malubay ay rank no.1 most wanted person, provincial level sa Cavite.
Dakong alas-5:40 ng hapon naman nang maaresto ng mga operatiba ng Bacoor CPS sa bisa ng warrant of arrest si Canuto sa Brgy. Tabing Dagat, Bacoor City, Cavite dahil sa kasong rape.
Si Canuto ay top 6 most wanted person, regional level at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang kaso. (SIGFRED ADSUARA)
105

Related posts

Leave a Comment