VALENZUELA NAKIISA SA WORLD TOILET DAY

NAKIISA ang Valenzuela City sa pag-alala sa Araw ng Kubeta o World Toilet Day nitong Sabado, Nobyembre 19.

Ayon sa pamahalaang lungsod, batay sa United Nations (UN) Water, 3.6 bilyong tao pa rin sa buong daigdig ang walang ligtas na napamamahalaang sanitasyon.

Ang taunang pag-alala ng UN ay nagtatampok sa pandaigdigang krisis sa sanitasyon, sa gitna nang patuloy na banta sa kalusugan at kapaligiran ng hindi sapat na sanitasyon, lalo sa mahihirap na mga komunidad

“Let us continue to champion safe sanitation for all – we all deserve kuBETTER! #WorldToiletDay,” ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela. (ALAIN AJERO)

15

Related posts

Leave a Comment