VOTER REGISTRATION BUBUKSAN SA PEBRERO

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy sa susunod na buwan ang voter registration sa buong bansa para sa May 2025 midterm election.

Gayunman, ang iskedyul ng voter registration period ay hindi pa naisasapinal ng Commission en banc.

Ang huling voter registration period na ginanap sa bansa ay mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.

Higit 2.5 milyong aplikasyon ang natanggap sa buong bansa sa nasabing panahon.

Nitong Lunes, pinaalalahanan ng Comelec ang overseas Filipinos na magparehistro para sa 2025 midterm elections.

Base sa Comelec Resolution No.10833, ang filing period para sa overseas Filipinos ay nagsimula noong Disyembre 9,2022 at tatagal hanggang Sept. 30 ngayong taon.

(JOCELYN DOMENDEN)

85

Related posts

Leave a Comment