WANTED SA MURDER NAKORNER

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 37-anyos na tricycle driver sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder, sa J.P. Rizal St., Barangay Tejeros, Makati City noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ruderick Aljecera y Vergara, binata, residente ng  Sta. Ana, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Ramel Lucero, hepe ng Investigation Division, kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng MPD Pandacan Police Station 10, bandang alas-1:20 ng hapon nang arestuhin si Aljecera sa J.P. Rizal St. sa Barangay Tejeros, Makati City.

Inaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Station Investigation Branch (SIB) Tracker Team na pinangunahan ni Police Lieutenant Vianny Ortiz, at Station Warrant and Subpoena Section na pinangunahan ni Police Lieutenant Jonna Herrera, kapwa ng MPD- Station 10, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Aida Estrella-Macapagal ng Regional Trial Court, Branch 195, Parañaque City.

Halos 10 taong nagtago sa batas si Aljecera at natunton sa nasabing lugar dahil sa tip ng isang impormante.

Si Aljecera ay naitalang most wanted person sa station level. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment