Banat ng mga netizen: RISA PALPAK NA ‘CAMPAIGN MANAGER’, REKLAMADOR

UMANI ng batikos si Senadora Risa Hontiveros matapos lumutang ang kanyang kapalpakan bilang “campaign manager” nina Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan noong 2025 senatorial race.

Ayon sa isang Reddit user, tumigil sa pangangampanya si Risa para sa dalawang kandidato bago pa magsimula ang campaign period.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nakita si Risa sa proclamation rally nina Senador Aquino at Pangilinan sa Cavite, at tanging si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo lang ang dumalo.

Hindi rin siya humarap sa Kiko-Bam rally sa Iloilo, Bacolod, at Quezon.

Wala rin siyang naiambag sa pakikipag-ugnayan sa mga political leader at mga lokal na opisyal para sa endorsement, at hinayaan sina Aquino at Pangilinan na mangalap ng suporta para sa kanilang kampanya.

Ngunit napaganda pa ang hindi niya pagsama sa kampanya dahil hindi siya gusto ng mga tao. Anila, puro lang batikos, walang nagawa at anti-Duterte si Hontiveros.

Nagpapasalamat din ang mga supporter nina Aquino at Pangilinan na hindi nila ginamit ang branding ni Hontiveros na “tunay na oposisyon” dahil naikakabit ito sa pagiging reklamador. (EG)

57

Related posts

Leave a Comment