BANGKAY INIHULOG SA VAN

BATANGAS – Isang bangkay ng lalaki ang inihulog mula sa isang van ng hindi kilalang mga lalaki sa bayan ng Tanauan sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Ayon sa mga nakasaksi, dakong alas-3:00 ng hapon nang itapon ng mga lalaking lulan ng puting van ang bangkay sa barangay road ng Brgy. Pantay Bata.

Mabilis ding sumibad ang van patungo sa main road matapos iwan ang bangkay sa gilid ng kalsada.

Nangangalap ang Tanauan City Police ng mga kuha ng CCTV sa dinaanan ng van para matukoy ang may-ari nito. (NILOU DEL CARMEN)

Makalipas ang anim na oras na putukan

141

Related posts

Leave a Comment