MOST WANTED SA MURDER SA CAPIZ, NATUNTON SA CAINTA

ARESTADO sa isinagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, ang isang 69-anyos na senior citizen na most wanted person sa kasong pagpatay sa Capiz, makaraang matunton sa Cainta, Rizal noong Sabado ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang suspek na si Nelson Laurilla, may asawa, ng Mambusao, Capiz sa Western Visayas.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-11:15 ng gabi nang silbihan nina Police Captain Josephus Melpaz, chief ng Operation Section, at Police Lieutenant Meynard Umali Vargas, hepe ng Warrant Section, sa pakikipagtulungan ni Police Captain Dennis Losbañes, Officer in Charge (OIC) ng Mambusao MPS, ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rommel Lacson Leonor, ng Regional Court Branch 21, Sixth Judicial Region, Mambusao Capiz, na may petsang Disyembre 16, 2024, sa kasong murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code.

(RENE CRISOSTOMO)

66

Related posts

Leave a Comment