MATAPOS ang crucial role na ginampanan ng Philippine Army para matiyak na magiging malaya, maayos, mapayapa at katanggap-tangap ang isinagawang May 2025 national and local elections sa buong bansa, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Hukbong Katihan ang isasagawang Bangsamoro election.
Tiniyak ng pamunuan ng Hukbo ang kahandaan nitong tiyakin ang seguridad sa nalalapit na halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 13, 2025.
Ayon kay Army commanding general, Lt. Gen. Roy Galido, nakahanda ang Hukbong Katihan para tiyakin na magiging mapayapa ang mga lugar na pagdarausan ng October 2025 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections na gaganapin sa mga bayan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato City
“As we transition to post-election activities, the Philippine Army is steadfast in its commitment to security operations until the newly elected officials are proclaimed and sworn into office,” pahayag ni Galido.
Samantala, pinapurihan ni Galido ang mga sundalo sa maayos at mapayapang midterm elections noong Mayo 12.
Magkatuwang ang PA, Comelec, at PNP sa pagbibigay seguridad sa mga presinto, paghahatid ng mga gamit pang-eleksyon, at pagbabantay sa mga tauhan, lalo na sa mga lugar na may banta ng karahasan.
Kaugnay nito, binibigyang-diin ng PA ang pagiging propesyonal at hindi pagiging bias ng kanilang mga tauhan sa panahon ng eleksyon.
Ang Philippine Army na nagsilbing main force provider ng Armed Forces of the Philippines, ay nagtalaga ng libo-libong sundalo para makatulong na mapangalagaan ang polling places, pag-transport ng election materials sa remote areas at high-risk areas, at protektahan ang election personnel sa hotspot areas bilang suporta sa PNP at COMELEC.
(JESSE KABEL RUIZ)
