BARANGAY CHAIRMAN INULAN NG BALA

BATANGAS – Sugatan ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Gerardo Masarap, chairman ng Barangay San Isidro Norte.

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang mula sa likuran ay pagbabarilin ito ng mga suspek dakong alas-9:10 ng gabi.

Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na malubhang isinugod sa Cabrina Hospital.

Agad ding tumakas ang hindi kilalang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

98

Related posts

Leave a Comment