ITINUTULAK ng isang mambabatas na paagahin ang halalang pambarangay upang mapalitan ang mga opisyal nito na hindi nagtatrabaho sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo ang nasabing mungkahi dahil sa kaliwa’t kanang reklamo sa mga barangay at SK officials na hindi ginagampanan ang kanilang trabaho na ipatupad ang batas at tulungan ang kanilang mga constituent sa gitna ng ECQ.
Base sa mga ulat, maraming barangay at SK officials ang hindi ipinatutupad ang social distancing sa kanilang nasasakupang lugar kaya pinangangambahang lalong kakalat ang COVID-19.
“Waiting for December 5, 2022 for the barangay and Sangguniang Kabataan elections would be torture for the millions of Filipinos whose village officials are performing dismally and whose incompetence was exposed during this COVID-19,” ani Tulfo.
Magugunita na ipinagpaliban ng gobyerno ang eleksyon sa barangay at SK na dapat sana ay sa Mayo 2020 pero inurong ito sa Disyembre 5, 2022 base sa Republic Act (RA) 11462. BERNARD TAGUINOD
452 