QUEZON – Patay ang isang taon gulang na batang lalaki nang ito ay masagasaan ng rescue vehicle sa barangay road sa Brgy. Sabang Piris, sa bayan ng Buenavista sa lalawigan noong Sabado ng umaga.
Ayon sa report ng Buenavista Police, papatawid ang bata sa kalsada kasama ng kanyang ate, nang mahagip ang biktima ng Toyota Hilux pick-up na rescue vehicle ng Buenavista LGU, na magde-deliver ng relief goods sa lugar dakong alas-9:00 ng umaga.
Grabeng napinsala ang biktima na agad isinugod ng mga tauhan ng MDRRMO na sakay ng nasabing sasakyan, sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Ikinostudiya naman ng pulisya ang 36-anyos na driver ng pick -up na kinilala sa pangalang “Jason” habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)
