MULING nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon kaya itinaas sa alert level 2 ang paligid nito, habang apat na volcanic earthquake ang iniulat sa nakalipas na magdamag nitong Linggo ng umaga, Hulyo 28, 2024, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, bukod sa pagyanig, naitala rin ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na may taas na 200 metro.
Ayon pa sa Phivolcs, iniulat din ang pamamaga ng bulkan sa nakalipas na magdamag.
Nabatid pa sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (km) radius Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkan.
Hindi rin pinahihintulutan ang pagpapalipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito. (PAOLO SANTOS)
