Bata pa lang sangkot na sa nakawan LALAKI ITINUMBA NG TANDEM

RIZAL – Tinambangan noong Lunes ng gabi ng riding in tandem ang lalaking dating nakulong sa Bahay Kalinga dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa kanilang lugar.

Kinilala ng Antipolo City Police ang biktimang si Arjay Garcia Padiragao, nasa hustong gulang, ng Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal

Bandang alas-6:30 ng gabi, habang nagkukumpuni ang biktima ng kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang bahay ay bigla siyang pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Agad na dinala sa Rizal Provincial Hospital Annex ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nabatid sa Antipolo City Police na noong menor de edad pa lamang ang biktima ay palagi na itong nasasangkot sa iba’t ibang uri ng pagnanakaw sa kanilang lugar kaya’t inilagay pansamantala sa pangangalaga ng Bahay Kalinga. (CYRILL QUILO)

183

Related posts

Leave a Comment