NIYANIG ng intensity 6.1 na lindol ang bahagi ng Batangas nitong araw ng Linggo, Mayo 22, 2022.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ito bandang alas-5:50 ng madaling araw, may 21 kilometro sa kanlurang bahagi ng Calatagan, Batangas, at 132 kilometro ang lalim.
Nakadama rin ng pagyanig sa ilang bahagi ng bansa sa mga sumusunod:
Intensity IV- Calatagan, Batangas. Intensity III – Quezon City, Pasay City, at Pasig City sa Metro Manila; Tagaytay City, Mendez, Amadeo at Alfonso sa Cavite; at Obando, Bulacan.
Intensity II – Abucay, Bataan; Gapan City, Nueva Ecija; Castillejos, Zambales; Mandaluyong City; Manila City; Makati City; at Tanay, Rizal
(CYRILL QUILO)
