BAWAS-SINGIL SA TOLL RATES KINONTRA NG SLEX

(NI KIKO CUETO)

HINDI pa matitiyak kung lalakad ang pag-uusap na bawasan o suspendihin ang toll rates sa South Luzon Expressway.

Naunang naghain si Laguna Rep. Sol Aragones ng resolusyon, na siyang naghihingi na suspendihin o babaan ang toll sa SLEX sa loob ng anim na buwan, dahil umano sa matinding trapik dahil sa pagtatayo ng Skyway extension.

Pero sinabi ni Skyway O&M Corp president Manuel Bonoan, na hindi ito ganun kadali.

“We are in the process of discussing this with the Toll Regulatory Board kasi maraming aspeto nito ang pag-uusapan. We have to look at it from the broader perspective, broader objective dito sa pag-ibsan ng traffic,” sinabi ni Bonoan.

“It may take a while, depending on the merit of the discussion,” sinabi nito sa panayam sa radio DZMM.

Dumaraan sa SLEX ang may 370,000 na motorist kada araw; 190,000 ay dumadaan sa Skyway.

Ang Skyway extension, na inaasahang matatapos sa December 2020, ay naglalayong mabawasan ang pangangailangan ng mga motorist na dumaan pa sa Alabang viaduct, na isang kilalang traffic chokepoint.

Pinag-aaralan pa ito ng Toll Regulatory Board, ayon naman sa tagapagsalita nito na si Julius Corpuz.

 

416

Related posts

Leave a Comment