INAPRUBAHAN sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan 2 na pinondohan ng P162 Billion para sa recovery at patuloy na laban sa pandemya sa COVID-19.
Sa botong 242 yes, 6 no at zero abstention, tuluyang pinagtibay ang House Bill (HB) 6953 o Bayanihan: We Recover as One Act o mas kilala sa Bayanihan 2.
“The House leadership is extending its gratitude to our colleagues for responding to the call of President Duterte to pass the COVID roadmap for economic recovery,” ani House majority leader
Martin Romualdez.
Pinagtibay ang nasabing panukala dalawang linggo matapos ang ikalimang state of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa paggagamitan sa nasabing pondo ay expanded testing and treatment of patients na nilagyan ng P10 billion; P10.5B para sa karagdagang personnel and benefits ng Department of
Health (DOH) at fund augmentation sa mga pagamutan.
Kasama rito ang pagbili ng face masks at personal protective equipment na may pondong P3 billion; P4 billion para sa temporary isolation and quarantine facilities; P20 billion para sa cash-
for-work ng mga nawalan ng trabaho sa pandemya; P51 billion para sa ayuda sa micro, small and medium Enterprises (MSME) at iba pa.
Naniniwala naman si House Speaker Alan Peter Cayetano na malaki ang maitutulong ng nasabing batas para ibangon, hindi lamang ang mga manggagawa kundi ang mga negosyong labis na
naapektuhan sa pandemya. (BERNARD TAGUINOD)
