MULING aarangkada ang ikatlong National Vaccination day sa bansa.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na sa darating na Pebrero 10 at 11 ay muling isasagawa ang Bayanihan, Bakunahan.
Ani Usec Cabotaje, bukod sa mahalagang mabigyan ng proteksyon ang mga hindi pa bakunado para sa ikatlong Pambansang Bakunahan ay prayoridad din na mapagkalooban ang mga dapat na makatanggap ng booster shot.
Aniya, target din nila na maitaas ang vaccination rate sa hanay ng nasa A2 at A3 group dahil nananatiling mababa pa ang porsiyento ng mga nakatanggap na ng bakuna sa nabanggit na kategorya.
Pumalo lamang aniya kasi sa 60% ang mga senior at may comorbidities na nabakunahan na at kailangan itong mapataas lalo’t sila ang tinatawag na vulnerable sector.
(CHRISTIAN DALE)
203 