BBM, mapagmahal na anak

MARAMING nagtatanong sa inyong lingkod kung bakit hindi kami tumatalakay ng tungkol sa darating na pambansang halalan sa Mayo 2022, lalo at kilala kami na naniniwalang ang sports ay isang epektibong behikulo sa pagkakaroon ng isang bansang may malakas, malusog at responsableng pamayanan.

Maraming lider ng sports, atleta, coach, trainer at may mga kaugnayan sa palakasan ang nagtatanong kung sino-sino sa mga kandidato para sa panguluhan ng bansa ang makatutulong upang mapaunlad ang Philippine sports. Lalo pa at maganda ang naging kampanya ng ating mga atleta noong nakaraang taon, nang sa wakas ay makapag-uwi ng gintong medalya mula sa Tokyo Olympics, matapos ang 97 taon, si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz.

Isa pa sa mga katanungan sa Sala sa Init, Sala sa Lamig ay kung bakit ayaw ni presidential bet Bongbong Marcos na lumahok sa mga debate?

Narito ang sagot ng ilang mga nakausap ng inyong lingkod at sarili naming obserbasyon: Si Bongbong ay pinalaki ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Ferdinand Sr. at First Lady Imeda Romualdez Marcos na Kristiyano na mapagmahal sa kanyang pamilya. At gaya ng kanyang mga kapatid na sina Imee at Irene, sila ay hinubog na magmahal at respetuhin ang kanilang ama at ina.

Sabi ng isang taksi drayber na naka­usap namin, bilang isang mabuti at matinong anak, hindi papayagan ni Bongbong na siya pa ang maging instrumento para paulit-ulit na marinig ang maraming akusasyong ibinabato noong nanunungkulan pa ang kanyang ama hanggang ngayon, kahit hindi pa napapatunayan ang mga ito. Para naman sa isang mananahi sa isang maliit na bayan sa Bulakan, bilang debotong Kristiyano ay tinuruan si BBM na gumalang at magmahal sa kapwa niya lalo na sa mga nakatatanda, na animo ay hindi maintindihan ng mga kalaban nito sa pulitika.

Mayroong mga nagpaparatang na si Bongbong ay duwag sa hindi pagharap sa mga debate. Ngunit ayon sa isa pang supporter niya, hindi karuwagan ang magmahal at gumalang sa magulang lalo pa’t ang kaugaliang ito ay ginagawa para mapanatili ang magagandang ­alaalang iniwan ng kanilang mga magulang – na hindi na yata itinuturo sa ating mga paaralan.

Ang malakas na pamilya ay isang mahalagang sangkap para mapaunlad ang sambayanan. Ayon sa mga ­eksperto, isa itong aral, “that teaches us how to function in the world. It should provide love and warmth to all of its members.

“A strong family gives its members the support they need to make it through life’s toughest spots. Strong families have open lines of communication – where all family members feel heard and respected. One of the best ways to strengthen your family is to increase your listening skills and those of other family members. Until we can hear each other, we cannot build strong relationships.”

May kasabihan tayong mga Pilipino na “walang magulang ang nakatitiis sa kanyang anak.” Pero para kay Bongbong at sa drayber na nakausap namin, “walang anak ang hindi dapat gumalang at magmahal sa kanyang magulang.” At ito aniya ang ginagawa ng kaisa-isang anak na lalaki nina dating Pangulong Marcos at Unang Ginang Imelda sa kanyang adhikaing “Bangon Bayan Muli” o BBM.

Sa susunod pang mga kolum ay tatangkain naming talakayin ang ­kakayahan ng mga kandidatong alalayan ang ating mga atleta sa mga susunod na international competitions. ABANGAN!

203

Related posts

Leave a Comment