Approval wasak sa isyu na ‘weak leader’ at korupsyon MARCOS LAGAPAK SA 60%

(CHRISTIAN DALE)

BUMAGSAK sa 60% ang approval rating ng administrasyong Marcos sa unang taon nito.

Ito ang makikita sa ipinalabas na resulta ng Publicus Asia survey, sumasalamin sa 2% na pagbaba mula sa first quarter ng 2023.

Ayon sa Manila-based political consultancy firm, makikita sa pigura na ang four-point na pagbaba mula sa 64% approval rating ay naitala sa last quarter ng 2022.

Kapansin-pansin din ang pagbaba ng performance rating ni Marcos sa bawat quarter.

Sa ikaapat na quarter noong 2022, nakapagtala ng 64% ang Pangulo. Sa unang quarter ng kasalukuyang taon ay nabawasan ito ng dalawang puntos kaya bumaba sa 62%. Muli itong nabawasan ng dalawang puntos sa ikalawang quarter kaya naging 60% na lamang ito.

Ilan sa mga nakikitang pangunahing dahilan ng pagbaba ng rating ng Pangulo ang usapin ng pagiging ‘weak leader’ umano nito dahil sa hindi masugpong korupsyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kinasasangkutan pa ng ilan sa kanyang mga itinalagang opisyal.

Patuloy na binabatikos ang Pangulo sa kabiguang mapigilan ang talamak na smuggling, mga korapsyon sa iba’t ibang ahensya na kinasasangkutan ng ilan sa kanyang mga itinalaga sa pwesto at ang hindi pa natutupad na mga ipinangako noong kampanya.

Ang mga resulta ng kahalintulad na “Pahayag” survey sakop ang second quarter ng kasalukuyang taon ay lumalabas na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang most approved

Cabinet member na may rating na 59%. Sumunod sa kanya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumaganap din bilang kalihim ng Department of Agriculture, na nakakuha ng 49% approval rating.

Sa kabilang dako, ang approval ratings ng ibang Cabinet officials ay:

– Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian (47%)
– Department of Finance Sec. Benjamin Diokno (46%)
– Former Department of Health officer-in-charge Rosario Vergeire (45%)
– Department of Migrant Workers Sec. Susan Ople (44%)
– Department of Tourism Sec. Ma. Esperanza Christina Frasco (43%)
– Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos (42%)
– Department of Science and Technology Sec. Renato Solidum (42%)
– Former Department of National Defense officer-in charge Carlito Galvez Jr. (41%)

Sinabi pa ng Manila-based political consultancy firm na may 57% ng mga respondents ang sang-ayon sa desisyon na italaga ni Pangulong Marcos ang kanyang sarili bilang DA Secretary, at 60% identified inflation ang itinuturing bilang “most pressing issue” ang nakasakit sa overall performance ng Pangulo.

Sinabi ng Publicus Asia na ang independent and non-commissioned Pahayag survey ay isinagawa mula Hunyo 7 hanggang 12, na mayroong 1,500 respondents “randomly drawn from a market research panel of over 200,000 Filipinos.”

Tanging registered Filipino voters ang kasama sa sample at ang margin of error ay +/- 3%.

340

Related posts

Leave a Comment