BBM bibigyang prayoridad ang digital infrastructure

MATAPOS maantala nang ilang ulit ang virtual press conference na dinaluhan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., nitong Miyerkules, agad niyang iginiit na ipa-prayoridad niya ang mga programa sa digital infrastructure para masolusyunan na ang mabagal at mahinang signal ng internet sa bansa.

Ilang ulit na natigil ang press conference ni Marcos sa pamamagitan ng Zoom sa mga mamamahayag ng Bicol at Western Visayas regions dahil sa mabagal na koneksyon sa internet, kaya ginamit niya ang pagkakataon para ipaliwanag ang kanyang programa ukol sa digital infrastructure.

“Pag-usapan na nga natin yung digital infrastructure. I think that’s a very clear indication, this is not a particularly demanding in terms of bandwidth ang ating ginagawa ngayon, but you can see all the difficulties that is why we cannot even have a zoom meeting without having problems,” ani Marcos

“Kaya’t the digital infrastructure must be a large part of the next administration’s plan, and I think digital infrastructure is probably something that we really have to look into,” dagdag niya.

Iginiit ni Marcos na kailangan itong unahin ng pamahalaan at kailangang makisabay tayo sa mga makabagong teknolohiya para hindi napag-iiwanan ang bansa.

“I think kayang gawin, because we don’t have to invent any new technology, what we have to do is that we have to adapt the best technologies that are around the world to the Philippine condition,” ani Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na bukod sa mga proyekto sa imprastruktura ay nararapat na ring i-prayoridad ang digital infrastructure dahil sa mas maraming pangangailangan dito.

“We don’t talk anymore just about roads, and bridges, and buildings, we also talk about the digital infrastructure because it just become as important as what we used to call horizontal construction and vertical construction, yung tinatawag na hard infrastructure projects,” giit pa ni Marcos .

Siniguro rin niya na uunahin niyang mabiyayaan ang mga malalayong lugar ng magandang signal sa internet.

“Dapat we will find a way na kahit na malalayo, kahit na isolated, ay may signal kahit papano dahil kailangan na kailangan na natin iyan especially after the pandemic, we do everything on the internet,” ayon kay Marcos.

395

Related posts

Leave a Comment