BBM-SARA, YAOKASIN AT TINGOG PA RIN SA TACLOBAN CITY – SURVEY

SA pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH- Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, panalo na sa May 2022 elections sina: Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos (President), Sara Duterte (Vice-President), Jerry “Sambo” Yaokasin (Mayor), at Tingog (Partylist).
Lumabas na si dating senador Marcos ay nakakuha ng 72 porsyento ng boto sa Tacloban City habang ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay nakakuha naman ng 65 percentage score.

Ayon sa “Pulso ng Bayan: Tacloban City 2022” survey, buo na ang desisyon at nakapagpasya na ang mga botante sa Tacloban City kaya inaasahan na ang kanilang bagong Mayor matapos ang May 2022 eleksyon ay si incumbent Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin na may 68 percentage score laban kay Mayor Alfred Romualdez na may 28% lang.

Ipinahiwatig ng mga botante ang labis na pagkadismaya kaya sa
“performance assessment” nila kay Romualdez bilang Mayor, binigyan nila ito ng 30% na iskor. Samantalang, si Vice Mayor Yaokasin naman ay subok na at nararanasan ng mga botante ang mahusay na serbisyo publiko kaya nais nila itong mailuklok kapalit ni Romualdez.

Lumitaw rin na suportado ng Taclobanons ang Tingog party-list na ang 1st nominee ay si Yedda Romualdez at binigyan ng 69% “performance rating” si Majority Floor Leader Cong. Martin Romualdez.

86

Related posts

Leave a Comment