DQ CASES VS BBM TINULDUKAN NA NG COMELEC

PINAGTIBAY na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa nangunguna sa partial and unofficial results ng 2022 presidential elections na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa botong 6-0-1 ay tuluyang ibinasura ang mga reklamo. Hindi naman lumahok sa botohan si Comelec Commissioner George Garcia dahil sa conflict of interest.

Matatandaang naging abogado ni Marcos si Garcia sa 2016 electoral protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.

Ang mga ibinasurang petisyon ay magkakahiwalay na inihain ng Akbayan Party-List, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), at ng Pudno Nga Ilokano (Ang Totoong Ilokano).

Maaari pang ihabla sa Korte Suprema ang desisyon ng Comelec.

Ikinatuwa ng kampo ni Marcos ang desisyon ng Comelec na nagpapatunay na hindi kailanman magagawang impluwensyahan ang komisyon.

“We are happy to receive the news that the Comelec En Banc has dismissed all the Motions for Reconsideration on the DQ cases which the First and Second Divisions have earlier ruled in favor of frontrunner Bongbong Marcos.

We have always believed that the poll body will stay true to its mandate to deliver a fair, honest and credible elections, including the dismissal of unmeritorious and politically-motivated petitions such as these.

The unanimous En Banc decision has proven, once and for all, that no amount of undue political pressure can weaken the resolve of the honorable Commission to be on the side of truth and justice,” bahagi ng kalatas ni Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff and Spokesman ni BBM.

98

Related posts

Leave a Comment