EKONOMIYA SENTRO NG UNANG CABINET MEETING NI PBBM

(CHRISTIAN DALE)

USAPING pang-ekonomiya ang sentro ng kauna-unahang cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isinagawa sa Aguinaldo State dining room ng Malacañang.

Maagang sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Sa pagsisimula ng cabinet meeting, agad na inalam ni Pangulong Marcos ang sitwasyon ng kasalukuyang ekonomiya ng bansa at hiningan ng update ang National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF).

Sa harap ito ng panibagong inflation report, paggalaw sa presyo ng mga bilihin, lalo na ang mga produktong petrolyo at ang nananatiling pandemya ng COVID-19.

Ayon kay Marcos, nakasalalay sa economic team ang central policy ng kanyang administrasyon.

Batid aniya ng lahat na may namumuong krisis sa suplay ng pagkain na dapat agad matugunan ng magkakatuwang na mga sangay ng pamahalaan.

Samantala, wala umanong plano si Pangulong Marcos na magbawas ng tao ngayon sa gobyerno.

Base ito sa Facebook post ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo kaugnay sa unang Cabinet meeting sa Malacañang.

Ayon kay Tulfo, inilatag nila sa Pangulo ang ideya na magbawas ng tao para makatipid ang gobyerno sa ilalim ng pandemic recovery.

Ngunit ang sagot aniya ng Pangulo, ayaw nitong mawalan ng trabaho ang sino man sa gobyerno sa panahong ito lalo’t nananatili ang pandemya.

69

Related posts

Leave a Comment