Nanalo ka dahil sa disinformation – netizens MARCOS SUPALPAL SA IBINIDANG LABAN VS. FAKE NEWS

(CHRISTIAN DALE)

SA halip umani ng papuri, sinupalpal ng netizens si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang sabihin nitong lalabanan ng kanyang administrasyon ang mga maling impormasyon.

Aniya, walang lugar sa makabagong lipunan ang ‘fake news”.

Gayunman, sinagot ito ng mga netizen na siya ang numero unong nakinabang sa fake news noong nakalipas na eleksyon.

‘YOU WON THE ELECTIONS THROUGH DISINFORMATION’, komento ng netizen na may Twitter handle na iMPACT Leadership.

Isa pang netizen ang nagpatutsada kung kilala raw ba ni Marcos Jr. sina: Thinking Pinoy, Sasot, SMNI, Tonying, Maharlika, Jam Magno, Franco Mabanta, Mr Riyoh, Mike Lopez, Senyora at Trixie na mga kilalang vlogger. Ilan sa mga ito ay bumitaw na ng suporta sa Pangulo tulad ni Maharlika.

“He would not be in Malacañang sana if walang fake news, which by the way are all from his camp.” Tweet naman ni Bituin.

Sa talumpati ni Marcos Jr., matapos pangunahan ang 14th edition ng International Conference of Information Commissioners (ICIC) sa Pasay City, binanggit nito ang Freedom of Information program “has leveraged available technology and digital platforms to be of greater service to our people.”

“Of course, we also have to highlight that the FOI Program has greatly advanced the campaign against misinformation and disinformation in the country. A problem that we in the Philippines also suffer from as I guess all of us do around the world,” ayon sa Pangulo.

Para labanan ang disinformation at misinformation, magro-roll out ang gobyerno ng media at information literacy campaign na dinisenyo na maging digital, multi-media, at youth-oriented.

Sa kamakailan lamang na report ng Britain-based Reuters Institute, makikita na para sa mga kabataan, ang influencers ay mas naging popular bilang news source kumpara sa mga mamamahayag.

Sa Pilipinas, mas maraming Pilipino ang gumagamit ng social media platforms, kabilang na ang Chinese short-form video app TikTok, upang makakuha ng kanilang balita.

177

Related posts

Leave a Comment