UMABOT sa 120,000 supporters ang dumalo sa political rally na isinagawa nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running mate niya na si Inday Sara Duterte sa Digos City, Davao del Sur nitong Miyerkules ng gabi.
Kasabay nito, lubos na nagpasalamat si Marcos sa kanilang mga taga-suporta dahil sa malugod na pagtanggap sa kanya at kay Inday Sara ng buong Davao Region.
Unang pinuntahan ng tambalang Marcos at Duterte ang Carmen, Davao del Norte, bagamat mainit ang panahon ay hindi pa rin napigilan ang mga libo-libong tao na umantabay at naghintay sa kanila .
Marami sa mga kilalang pamilya ang suportado ang BBM-Sara UniTeam, tulad nang mga Del Rosario, Floirendos, Dujalis, Uys at Aalas na pawang namataan sa nasabing provincial rally ng UniTeam sa Carmen.
Sunod naman na pinuntahan ng UniTeam ang Pantukan, Davao De Oro, kasalukyang gobernador ng lalawigan ay si Tyron Uy, ayon sa kanya ay “Walang Iwanan”, naniniwala siya sa mensahe ng tambalang BBM-Sara na pagkakaisa.
“Naniniwala kami sa kanilang panawagan na pagkakaisa, Isa kami sa believer niya dito sa Davao de Oro kasi alam natin na dahil sa pagkakaisa ng mga political leaders, magagawa natin na mas mabilis ang progreso sa ating lugar.” sabi ni Gov. Uy.
Sabi pa ni Uy na matagal nang naghihintay ang mga taga-Davao de Oro sa pagbisita ng buong UniTeam, lalo na’t si Mayor Inday Sara Duterte ay isang Dabawenya.
“Basta BBM-Sara malakas talaga lalo na dito sa Davao de Oro, maraming gustong marinig at makita sila, mahal na mahal sila lalo na si Mayor Inday ay mula mismo dito sa Davao.” dagdag pa ni Uy.
Huling pinuntahan ng BBM-Sara UniTeam ang Digos City, Davao del Sur, ang pinakamalaking rally ng UniTeam sa Davao Region na siyang dinaluhan ng mahigit 120,000 na BBM-Sara supporters.
Ginanap ang UniTeam rally sa Desi Heights, Brgy. Tres de Mayo, kung saan umaga pa lang ay kitang-kita na ang pananabik ng mga supporters na masilayan ang buong UniTeam.
Pagsapit ng gabi ay nagliwanag ang buong lugar sa sabay-sabay na pagbubukas ng flashlight ng cellphone ng daan-daang supporters na tila pahiwatig nila na kay Marcos at Duterte ang maliwanag na bukas.
Tulad ng inaasaahan sa tambalang Marcos at Duterte, tuwa at galak ang kanilang naramdaman dahil sa walang humpay na pagmamahal ng mga supporters sa kanilang dalawa na kahit saan sila pumunta talaga namang jampack.
“Maraming salamat po Davao del Sur! Salamat sa inyong tiwala at suporta sa amin ni Apo BBM at sa buong UniTeam! Salamat sa Team nina Gov. Claude at Gov. Jason Rama Bautista sa suporta niyo. Mahalin natin ang Pilipinas” ayon kay Mayor Inday Sara Duterte.
“Maraming salamat Digos City, napaka-init ng inyong pagtanggap sa UniTeam BBM-Sara, talaga namang kahit saan kami pumunta ng buong UniTeam, kami ni Inday Sara ganito kainit ang pagtanggap, patunay lang na lumalawak na ang panawagan nating pagkakaisa.” ayon naman kay Marcos.
216