Wala pang basbas ni PBBM INDEPENDENT BODY VS. DUTERTE DRUG WAR

WALA pang basbas mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi pa maisumite ng tanggapan ni Solicitor General Menardo Guevarra ang panukalang paglikha ng independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa drug campaign ng Duterte administration.

Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang panukala kabilang na ang draft ng executive order (EO) na naglalayong bumuo ng independent panel noong nakaraang taon.

“The OSG has crafted the details of a proposed independent commission a long time ago, including a draft executive order. But we are waiting for the proper signals for its submission to the president,” anito.

Sinabi pa niya na habang nag-iimbestiga na ang pamahalaan ukol sa mga patayan na inuugnay sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang panukalang independent panel ay mayroong advantage na magkaroon ng “flexibility” sa operasyon nito.

“It may summon anyone it wants, at any time,” ani Guevarra.
Aniya pa, susuportahan ng panukalang panel ang pagsisikap ng legal system at law enforcement agencies.

“Our regular investigative processes, through our law enforcement agencies, the prosecution service, and our courts, and the work of an independent commission complement and will mutually reinforce each other,” diing pahayag nito.

At nang tanungin kung anong “proper signals” ang hinihintay ng OSG bago isumite kay Pangulong Marcos ang naturang “proposal”, sinabi ni Guevarra na “For now we are feeling the pulse of our political leadership on the acceptability of the idea.” (CHRISTIAN DALE)

161

Related posts

Leave a Comment