PUNA ni JOEL O. AMONGO
DINADAGSA ng komento ang inilabas na statement ng Quezon City government sa katatapos na selebrasyon ng Bestlink College of the Philippines (BCP) noong nakaraang Linggo, Enero 26, 2025.
Nasa ibaba ang pahayag ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon:
Statement of the Quezon City Government
Quezon City Government to Schools: Prioritize Safety and Responsible Planning
The Quezon City Government strongly urges all schools to make student safety their utmost priority when organizing large-scale events. This reminder comes after a recent incident involving a Quezon City-based private school’s weekend activity that aimed to transport thousands of students to an out-of-town resort in celebration of its founding anniversary, which caused severe traffic disruptions and raised serious safety concerns for the students.
Schools are reminded of their responsibility to exercise due diligence by ensuring meticulous planning and closely coordinating with local government units (LGUs) and other relevant authorities. Adherence to established safety protocols is non-negotiable and must be strictly observed to safeguard students and prevent undue inconvenience to the public.
We call on all educational institutions to remain steadfast in upholding these standards. Together, let us create a safer, more responsible environment for our students and the broader community.
oOo
Na-PUNA natin na ang statement ng Quezon City government ay paalala sa eskuwelahan na i-prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral, subalit nabigo ang BCP na maipatupad ito.
Base sa sumbong sa PUNA, marami ang hinimatay na mga estudyante ng BCP sa open space ng isang resort sa Bataan.
Sinalubong umano ng mga estudyanteng nasa mahigit kumulang 30K, ang mainit na araw pagdating nila sa lugar.
Napakalayo rin daw ng lugar na kinaroroonan ng mga bus na nasa mahigit kumulang 400 bus.
Dahil umano sa init, gutom, at pagod ng mga mag-aaral ay marami ang hinimatay.
Wala rin daw nakitang medical team na nangangalaga sa mga estudyante kaya kapwa mag-aaral na lamang ang nag-asikaso sa mga hinihimatay.
Nabatid na P900 ang kontribusyon ng bawat estudyante na sumama sa foundation day celebration ng BCP.
Nauna nang nagkaroon ng field trip sa Baguio City noong Disyembre 2024, na siningil ng halos siyam na libong piso ang bawat estudyante.
‘Pag hindi umano sumama ang mga estudyante ng BCP sa kanilang out-of-town activities ay pinarurusahan ang mga ito sa pamamagitan ng maraming assignment.
Minsan ay tinatakot pa umano ang mga estudyante ng kanilang professor na kapag hindi sumama ay ibabagsak sa kanilang subjects, kaya walang magawa ang mga ito kundi sumama sa out-of-town activity.
Pinuna rin ng mga magulang na walang kadala-dala ang BCP na minsan nang nakaranas ng aksidente noong 2017, sa bus ng Panda Coach na sinakyan ng mga estudyante sa field trip, na ikinamatay ng 15 katao, 14 sa mga ito ay pawang mga estudyante, habang 40 ang nasugatan.
Kinuwestiyon din ng mga magulang na kahit bayad na ang lahat ng kanilang tuition hanggang sa finals, ngunit pagdating ng enrollment ay biglang may lalabas na bayarin na kailangang bayaran bago makapag-enroll ang mga estudyante.
Ano kaya ang masasabi ng Commission on Higher Education (CHED) tungkol dito?
oOo
Para sa reklamo at suhestiyon, mag-email operarioj45@gmail.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
