GAGAMITIN ng mga batang atleta ang kanilang talento sa pagsabak sa Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships bukas (Pebrero 9) sa Athletics Volleyball Center sa Taguig City.
Kabilang sa mga koponang kasali sa torneo ay mula sa Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro-Manila.
Ang naturang beach volleyball tourney ay bahagi ng grassroots sports development program ng PVF sa pamumuno ni presidente Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.
Tulad sa mga nakalipas na programa ng PVF at pamilya Cantada, tiniyak ng mga ito na ibibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng participants, kasama na rito ang mga pagkain at inumin.
Pangangasiwaan din ang torneo ng mga lisensyadong referee at umpires ng PVF upang matiyak na magiging patas ang lahat ng mga laro.
“No entry fees providing equal opportunities. Competent PVF licensed game officials providing fair and effective officiating. Sunday’s much awaited beach volleyball event promises to be a very exciting and entertaining as always,” pagtitiyak ni Cantada.
Kabuuang 32 koponan, tig-16 sa boys at girls divisions, ang sasabak sa torneo na itinataguyod din ng Toyota Marilao, VItaMilk at ni PVF chairman at Pampanga Rep. Mikey Arroyo. (DENNIS INIGO)
415
