BEBOT, KASABWAT HULI SA P24K SHABU

KALABOSO ang isang babae at lalaking magkasabwat umano sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Taguig City makaraang makumpiskahan ng shabu noong Biyernes ng gabi.

Sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City dakong alas-10:00 ng gabi noong Biyernes ay nakumpiskahan ang mga suspek na sina Maria Victoria at Anthony Hombria ng P147,356 halaga ng umano’y shabu.

Ayon sa ulat ni SPD Director BGen. Jimili Macaraeg, nagsagawa ng magkasanib na buy-bust operation ang mga pulis ng DDEU-SPD, sa pangunguna ni PMaj. Cecilio G. Tomas Jr., DMFB-SPD personnel, at mga pulis ng Sub-Station 3 ng Taguig CPS sa Block 28, Lot 1, Brgy. Pinagsama, Taguig City sa nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang sachet na naglalaman ng 21.67 gramo ng shabu na may estimated standard price na P147, 356, at P500 marked buy-bust money.

Nakatakdang kasuhan ang magkasabwat na mga suspek ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Piskalya ng Taguig City. (DAVE MEDINA)

149

Related posts

Leave a Comment