Ni Ann Esternon
Ang chiropractic therapy ay may serbisyo na maaaring bago sa maraming Pilipino ngunit may benipisyong hatid sa kalusugan. Isa itong pseudoscientific complementary at alternative medicine upang mabigyan ng tulong o lunas ang mechanical disorders ng musculoskeletal system, lalo na sa gulugod o spine.
Ang chiropractic na isang health care profession ay ginagawa ng lisensyadong chiropractors. Sila rin ang nagpe-perform maitama ang alignment problems, mawala ang mga pananakit na nararamdaman, at masuportahan ang katawan upang maiayos nito ang nasirang sistema sa loob.
Ilan sa pangunahing serbisyo ng chiropractic ang pagtanggal ng pananakit ng leeg, likod, kamay, binti, headaches o migraines. Ang mga chiropractic clinic ay bihasa sa stroke rehabilitation, disc problems, scoliosis, arthritis, pediatric physical therapy at iba pa. At ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng manual therapy o ang tinatawag mismong chiropractic.
Sa chiropractic, minamanipula ang spine, joints, at soft tissues (gamit ang kamay o instrument) ayon sa tamang posisyon upang maiwasan ang pananakit at maibalik sa normal ang galaw nito.
Hindi basta-basta ipinahahawak ang mga buto at likod sa kung sino lamang. Opsyon kasi ng marami ang haplos ng masahista na posibleng peligroso.
Hindi lubos ang pagbibigay solusyon sa sakit na nararamdaman sa pagpunta sa spa o masahista. Hindi kasi inaalam dito kung ano talaga ang nararamdaman ng pasyente hindi tulad sa clinic na dumaan sa pag-aaral.
Ang chiropractic ay isang alternative medical treatment at malaking bagay ang benepisyo nito para maiwasan din ang nakaambang higit pang pananakit at magastos na surgery.
