(NI LYSSA VILLAROMAN)
NAGPAHAYAG ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang traffic na kadalasan ay nararanasan sa pagpasok ng “BER months” ay napaaga.
“Nasa July-August pa lang po tayo pero ang nararanasan nating pagbigat ng trapiko, parang Disyembre na,” pahayag ni MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago.
“Ayaw ho nating bolahin ang mga kababayan natin. Ang importante ho, may figures sila at alam nila ang tunay nangyayari. Bibigat po tayo pagdating ng ber months,” dagdag pa ni Pialago.
Ayon sa MMDA spokesperson, ang traffic flow sa EDSA’s southbound lane ay 11 kilometers per hour (kph) sa umaga samantalang sa northbound ang mga motorists tumatakbo lamang sa 14 kph sa gabi.
Base sa datos ng MMDA, ang traffic volume sa EDSA ay lumalagpas kada araw sa 601 percent.
Ayon sa MMDA, umaabot sa taas na 380,000 vehicles ang dumaraan sa EDSA kada-araw na meron laman na kapasidad na 54,000.
Ipinahayag pa ng MMDA na ang mga may 66 percent na mga kotse ang nagpapabigat ng traffic, 22 percent naman mula sa mga motorsiklo at 3.48 naman sa mga bus.
Sinabi ng MMDA na isa sa nakikita nilang solusyon sa patinding traffic sa EDSA ay pagtatayo ng mga train sa Metro Manila.
Sa pahayag naman ng Department of Transportation (DOTr), inamin nilang ang pag-sasaayos ng mga rail system ay hindi naman agad maisasayos in just a snap of a finger.
Ayon sa kanila, ang bilis ng takbo ng MRT ay 30 kph na mas mabagal kumpara sa Japan at New York na may bilis na 60 hangang 80 kph.
“Kapag baku-bako po ‘yung riles mo, dagdagan mo pa po ng baku-bako ‘yung mga gulong ng mga bagon mo dahil hindi na-maintain nang maayos, kinakailangan pong ibaba ‘yung operating speed nung sistema,” pahayag ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan.
Sinabi pa nito na sa bansa ay may six hanggang to seven percent lang ng mga commuting public ang gumagamit ng train na malayo sa sitwayson sa Japan na ang 70 percent of the riding public ay gumagamit ng train.
Dagdag pa nito na matapos lang ang Duterte administration’s “Build Build Build” program projects sa mga bagong train routes at road network ay maaring tumaas ang train rider sa 25 percent.
179