TWO third ng mga botante ng Abra Province ang mas pipiliin na gawing gobernador si Eustaquio Bersamin, kapatid ni Executive Sec. Lucas Bersamin laban sa katunggali nitong si Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos ngayong 2025 midterm election.
Base sa Tangere Survey mula January 13 hanggang January 16, 2025 na may 800 respondents at face to face interview, 68% o pito sa bawat botante ng lalawigan ng Abra ay mas napipisil si Bersamin habang 25% ang puntos ni Bernos at 7% naman ang undecided.
Naitala ang malakas na suporta kay Bersamin mula sa mga bayan ng Bangued, Bucay, Ta-yum at La Paz. Ang pagiging popular, karanasan at kanyang track record sa pagiging gobernador ang nagbigay ng malaking agwat kay Bersamin.
Sa nasabing survey, 99% ng mga tinanong ang nakakakilala sa kanya at 92% naman ang positive approval habang 85% ang popularity at 65% ang positive rate ni Bernos.
Sa pagka-Bise Gobernador naman, 59% ang nakuha ng pamangkin ni ES Bersamin na si Anna Marie kumpara sa katunggali nito na si Maria Jocelyn Bernos, ina ni Vice Mayor Bernos na nakakuha lamang ng 32%.
Si Anna Marie ay anak ni dating Abra Cong. Luis Chito Bersamin na pinatay noong December 2006 habang dumadalo sa isang wedding ceremony. (PAOLO SANTOS)
