BGen. Nicolas, bagong Wing Commander ng 1st Air Force Wing Reserve

Pormal nang sinalubong si Brigadier General Elmer Nicolas, PAF (RES), bilang bagong Wing Commander ng 1st Air Force Wing Reserve sa isang marangyang seremonya sa Philippine Air Force 1st Air Force Reserve Command.

Pinangunahan ng mga cadet officers ng PATTS College of Aeronautics ang seremonyal na pagsalubong bilang pagkilala sa kanyang bagong tungkulin. Kasunod nito, isinagawa ang formal guest book signing kasama si LTC Glenn Ventura, PAF (GSC), bilang opisyal na pagkilala sa panunungkulan ni BGen. Nicolas.

Sinundan ito ng maikling programa at unit briefing kung saan tinalakay ang mga pangunahing layunin, programa, at patakaran ng 1st AFWR sa pagpapanatili ng kahandaan, disiplina, at serbisyo sa bayan.

Sa kanyang bagong tungkulin, inaasahang ipagpapatuloy ni BGen. Nicolas ang pagpapalakas ng ugnayan at moral ng mga reservist personnel, at magsisilbing inspirasyon sa pagpapaigting ng dedikasyon at malasakit sa sambayanan.

(CHIE UMANDAP)

78

Related posts

Leave a Comment