NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga nagpapalaganap ng fake social media accounts sa Facebook gamit ang mga litrato at impormasyon ng kanilang mga empleyado na kung saan ay ginaya o ginagamit ang official seal ng ahensya para lituhin ang publiko na may transaksyon sa nasabing ahensya ng gobyerno.
Si BI Commissioner Norman Tansingco ay nag-isyu ng babala sa gitna ng mga ulat na may scammers na ginagamit ang social media accounts para magpanggap na mga tauhan sila ng BI.
“These scammers reportedly disguise as immigration lawyers and legal officers. They create profiles using photos of our employees, their badges, and even the logo of the bureau,” ani Tansingco.
Dahil dito, muling nagbabala si Tansingco na ang BI employees ay hindi awtorisado na makipag-coordinate at gumawa ng transaksyon sa labas ng BI facilities at nang lagpas na sa office hours.
“There have been reports in the past where fake social media profiles have fueled scams and have gotten people duped out of money,” pagbabahagi pa ni Tansingco.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Tansingco sa pagdami ng bilang ng fake social media pages. “It is illegal to assume the identity of others, more so to demand money from anyone using the government’s name,” saad pa ni Tansingco. “The BI strongly warns the public against internet acquaintances. Remain keen to avoid being victimized,” dagdag niya.
Kaugnay nito, sinabi niya na nakipag-ugnayan na sila sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para pag-usapan ang nasabing isyu, maging ang iba pang mga alalahanin na may kinalaman sa cybercrime na nakakaapekto sa BI operations.
Para sa berepikasyon, ang publiko ay maaaring tumawag sa BI’s hotline at (02) 8465-2400, or reach them thru the BI social media page at www.facebook.com/officialbureauofimmigration. (JOEL O. AMONGO)
