BIGTIME TULAK HULI SA P4.3-M SHABU SA QC

ARESTADO ang isang umano’y bigtime tulak ng ilegal na droga sa mga tauhan ng PNP-DEG SOU 5, RDEU 5 at SDEU ng Holy Spirit Police Station (PS-14) ng QCPD sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P4,352,000 halaga ng shabu sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, station commander ng PS-14, ang suspek na si Khalid Sana Guiabal, 36-anyos, tubong Maguindanao at residente sa #112 Don Victorino Ext., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon noong Mayo 30, nagsagawa ang police operatives ng buy-bust operation laban sa suspek sa Don Victorino Ext., Don Antonio Heights South, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Isang undercover cop ang umakto bilang poseur buyer at matagumpay na nakabili ng shabu na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang P4,352,000 halaga ng shabu, dalawang (2) cellular phones, iba’t ibang IDs, isang weighing scale at ang buy-bust money.

Ang suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

236

Related posts

Leave a Comment