TATLO ang naitalang namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 noong Mayo 30, ayon sa City Health Department at City Epidemiology and Surveillance Unit.
Pumalo na sa 32,046 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 30,157 na ang gumaling, 940 ang namatay at 949 ang active cases.
Nanatili naman sa 438 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na walang naiulat na mamatay dahil sa pandemya. Umabot naman sa 17 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,064 ang positive cases sa Malabon, 127 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (2), Catmon (2), Concepcion (1), Panghulo (6), at Santulan (6).
Habang 28 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (1), Catmon (3), Concepcion (2), Niugan (1), Potrero (4), Santulan (7), Tinajeros (6), at Tonsuya (4). Sa kabuuan ay nasa 12,499 ang recovered patients ng Malabon.
Hindi rin gumalaw ang 358 bilang ng pandemic fatalities sa Navotas City dahil walang naitalang binawian ng buhay. Sumampa na sa 10,823 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 10,353 na ang gumaling at 112 ang active cases.
Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)
135
