‘BIKOY’ HUMILING NG ‘PROTECTIVE CUSTODY’ SA PNP

bikoy21

(NI JG TUMBADO)

HUMILING na si Peter Joemel Advincula, o mas kilala bilang si alyas “Bikoy” sa “Ang totoong Narcolist”, na maisailalim sya sa protective custody ng Philippine National Police (PNP).

Ang naturang kahilingan ay inihayag mismo ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Brig. General Amador Corpus kasunod ng pagsipot muli ni Advincula sa kanilang tanggapan sa PNP headquarters sa Camp Crame.

Ayon kay Corpus sa press briefing nitong Lunes sa Camp Crame, bitbit ni Advincula ang kanyang abogado nang magtungo sa kanyang tanggapan noong May 27.

Sa ngayon, ani Corpus, habang nasa kostudiya nila si Advincula ay patuloy na iniimbestigahan ang naging mga salaysay nito kabilang ang mga nailantad noong unang humarap ito sa press conference.

Patuloy din ang kanilang threat assessment kay Advincula at isinasailalim sa validation ang alegasyon niyang mayroong banta sa kanyang buhay.

Kasalukuyan na ring isinasailalim sa pagsusuri ng anti-cybercrime group ang cellphone ni Advincula.

 

175

Related posts

Leave a Comment